Tuesday, June 24, 2008 [Makati Again]
My intake interview and physical/dental exam was scheduled last Tuesday (June 24). I have two options how to go there: first, take a bus [coding kasi, di pwede kotse ni Papa] and the second, sumabay sa Tita ko on Monday at mag-stay sa condo niya. I chose the second.

We left our house last Monday and my aunt dropped me at her condo where I stayed half day. Kailangan kong umalis ng condo from 11:30 - 2:30 PM kasi darating yung may-ari ng condo [nangungupahan lang yung tita ko sa kanya]. So I spent my time sa internet cafe sa second floor ng condo. After an hour surfing the net, I received a text from my friends. Nagyayaya mag-Festival. Gusto ko sana kaya lang nasa Makati ako. So nagpaalam ako sa tita ko kung pwede akong pumunta. Pwede naman daw kaso mahirap sumakay. Sa expressway ka sasakay, delikado yun. So pinilit ko na lang sila na mag-Glorietta para mas malapit sa'kin. Hindi sila pumayag, sa Festival na lang daw. Yun, di na ko sumama. :(

5:30 PM, pumunta na ko sa office ng tita ko. Pupunta kas kaming Trinoma, di pa kasi namin napupuntahan yun. Mga 7 na kami nakaalis sa of niya kasi tinapos pa niya mga trabaho niya. Tapos nagpark kami sa Park Square at naglakad papuntang MRT (traffic kasi, mas ok kung mag-MRT). Grabe siksikan sa MRT. Dulong station pa kasi yung MRT so mga 30 minutes kaming nakatayo and lagi ako na-a-out of balance. Hehe.

Pagdating namin dun, lagapak. Akala namin, sobrang ganda ng Trinoma, yun pala parang Glorietta lang. Gutom na gutom na kami that time, naghanap yung tita ko ng restaurant sa loob ng mall. Wala! Ordinary lang yung mga makakainan - Jollibee, McDo, KFC, Chowking, Tokyo Tokyo.. Dahil walang mamahalin na restaurant, nag-Kenny Rogers na lang kami. Isang pitcher ng softdrinks ang inorder namin. Eh dalawa lang naman kami kaya di namin naubos. Sayang kasi, kaya tinake-out namin yung softdrinks.

Pasara na yung Trinoma nung natapos kaming kumain. Kaya smuakay na kami ng MRT. Nung papasok na kami ng MRT, sinabihan kami na bawal daw ang inumin at pagkain sa loob. So tinapon namin yung softdrinks, grabe ang hinayang ko dun. Naisip ko tuloy, sabi kasi bawal ang pagkain at inumin, paano yung mga empleyadong nagbabaon ng pagkain for their lunch? Pano yung mga nag-grocery ng pagkain at inumin? Pano yung bumili ng pasalubong na McDo sa anak nila? Paano? Itatapon din! Kaya sa managment ng MRT, pakilinawan naman yang mga policies niyo!

So much for that, pagkababa sa MRT, uuwi na kami dapat. So sa Glorietta kami dumaan, tapos napag-isipan ng Tita kong mag-Timezone. Naglaro kami nung Trivia game dun na wala palang kwenta, nag-basketball, nag-Tekken, yung idodrawing ka ng computer, at nag-Deal or no Deal. 3 tickets lang napanalunan ko. :(

Tapos, diretso na kami sa parking. To find out na yung kotse na lang namin ang naiwan sa 8th floor ng parking. Nakakatakot talaga. Tapos, midnight snack. Starbucks sana kaso gusto ko nung Shake Shake sa McDo kaya nag-McDo na lang kami. Tapos punta na sa condo niya, kumain nung Shake Shake, nood ng TV at natulog na.

Pagkagising, kumain ng breakfast at naligo. Tapos tinignan ko yung requirements for my interview at exam. Kailangan ng 1x1 picture! Wala kong dala. Hehe. Tumawag ako at tinanong kung okay lang na walang picture, sabi ok lang daw, to follow na lang.

Na-late ako ng 15 minutes. Dun ako papasok sa likod na entrance kasi mas malapit ako dun eh. Tapos hinarang ako ng guard, sabi pang may sasakyan lang daw yun. Dun daw ako sa main entrance pumasok. Ang arte, anong pinagkaiba nun?

Tapos pumila na ko for interview. Tapos kinuha yung CM at Parent's Profile Form. Hala! Di ko nasagutan. Nakakahiya, sinagutan ko habang naghihintay. Hehe. Umabot naman ako. Tapos pinansin kami nung baklang nagbabantay dun, sabi niya orange is the color of the day. Kasi ang dami naming naka-orange. Hehe.

Nung turn ko na, tinanong nung nag-iinterview yung mga binilugan ko sa need analysis survey. Naiinis ako sa kanya kasi ayaw niyang maniwala sa mga sagot ko. Tapos parang may gusto siyang isagot ko sa tanong niya tapos pag di yun ang sinagot ko, hindi siya maniniwala at uulitin niya sa'yo yung tanong. Siyempre, I stood with my answer so nagsawa siya kauulit.

Tapos pumila na ko sa physical/dental exam. 1 PM pa ang sked ko pero pumila na ako ng 11. Pero natawag pa rin ako ng 2:15. Yung katabi ko, kinakausap naman ako. tinatanong niya ko kung ano nang gagawin.. Kung kailangan ba 'to.. Mabait naman siya, pinapauna niya ko lagi bago siya.

2:30 nung kinuha ko yung ID. Ang pangit ko dun. Dahil siguro sa buhok ko, sobrang kapal. Di pa ko naglulunch nun, kukulangin na rin yung pera ko kaya umuwi na lang ako. FX ako sumakay papuntang terminal kasi walang jeep. Tapos sumakay na ko sa bus. Inaantok ako grabe. Nakakaidlip ako sa bus. Hehe.

Tapos pagdating sa bahay, walang pagkain. So yung dinner ko, yun na rin ang lunch at merienda ko. :(

Labels: , , ,

 
This site is owned by activebeast and hosted by Blogger. Thank you for visiting my blog, lurker!
invading the private life
welcome
Welcome to my blog. Lurk all pages. Gimme more hits. Leave comments. Post blah blahs on the chatbox.

the mastermind
webmaster
luicarlLuicarl. 16 years young. Certified fanatic. Celebrity wanna-be. Orange. Endemol. Bench/. Computers. Internet. Music. Luxurious. Poor. Funny. Sugar Plum. Mean. Tertiary-IT. Must-have.

hotlinks
blogmates
STUPERDICTIONARY


the spin-offs
my accounts
blogger . multiply . friendster . youtube . mail

nice to know
site factoids
version: seventeen
title: umbrella
inspiration: rihanna's "umbrella"
browser: firefox
resolution: 1024x768
hits: as of version 7
online: luicarlers

express your thoughts
chatbox

POP-UP CHATBOX


reminiscing remnants
archives
February 2008 . March 2008 . April 2008 . May 2008 . June 2008 . July 2008 . August 2008 . September 2008 . October 2008 . November 2008 . December 2008 . January 2009 . February 2009 . March 2009 . April 2009 . May 2009 . June 2009 . July 2009 .