Sunday, March 23, 2008 [Easter Sunday 2008]

My aunt woke me up at 4 AM for the salubong. Akala namin 4:30 AM yung simula kaya gumising kami ng 4. But we're wrong, 5AM pala yung start kaya nanood muna kami ng Mr. Bean habang naghihintay. Hehe. Tapos, pumunta na kami dun sa church.
Dalawa yung pwede mong sabayan - Jesus or Mama Mary. It's preferable to walk with Mama Mary if you're a female and with Jesus if you're a male. Pero kay Mama Mary ako sumabay kasi wala akong kasama kung kay Jesus ako sasabay. Tsaka mas mahaba yung lalakarin dun kaya kay Mama Mary na lang ako sumabay. Hehe. Marami rin namang lalaking sumabay kasi nga daw mas maikli ang lalakarin. Hehe.
Umikot kami from the church pabalik din dun. Pagdating dun, yung belo scene na yung naganap. So akala ko tapos na yun. Yun pala, may misa pa! Naku naman! Mabobore na naman ak. Hehe. Pero alam niyo ba na second consecutive week ko ng nagsisimba? Bumabait na ata ako. Hehe. So yun, hindi naman ako masyado nabore kasi kausap ko naman yung tita ko tsaka mga pinsan ko. Medyo nakakaantok lang kasi nga ang aga naming gumising. After church, umuwi na kami.
At home, nagkayayaang mag-Jollibee kasi sobrang nakakagutom. Pumunta kami ng Paseo de Carmona to eat. I ate Beef Tapa. Ang sarap. Tapos umuwi na rin kami at nakatulog ako. Eto yung gustong-gusto kong part, nanaginip ako. Sobrang ganda ng panaginip ko pero ayoko ikwento. Haha. Maganda pa rin kahit na nung banda huli naging action yung panaginip ko. Haha. May mga goons daw. Wahaha. Basta.
Tapos pagkagising ko, gumawa ko ng bagong layout. Ito yun! Nagagandahan ako. Haha. Mas gusto ko kesa dun sa dati. Nakakaasar tignan yun eh. Hehe. Inayos ko din yung bug sa Archive part at gumamit na ko ng JavaScript. Sosyal. Haha.
Siguro kilala niyo naman yung lalaki sa header, that's Mr. Bean. Siyempre, favorite ko siya. Yung babae naman, si Kylie Minogue. Natutuwa kasi ako dun sa kanta niyang Wow eh. Kaya ang pangalan ng layout na to ay Wow! Mr. Bean!. Wala lang, pinagsama ko lang. Nyahaha.
Labels: FAMILY LIFE, MY LIFE