Saturday, March 22, 2008 [Black Saturday 2008]

Bago ako magkwento ng mga nangyari ngayon, ang dami kong nakalimutang ikuwento sa inyo. First, nung Thursday, sinearch ko sa Google yung name ng school ko. Natutuwa naman ako kasi wala na yung controversial blog ko sa results! Nyahahaha. Wala nang proof. LOL. Second, kahapon, we went to the public market to buy pirated DVDs, nagpabili ako ng Mr. Bean. Haha. Binili naman ako ng tita ko at pinanood ko siya kagabi. Kahit ilang beses ko na yung napanood sa TV, I can't stop myself laughing. Yun lang naman. Hehe.
Eto na nangyari ngayon, together with my aunt, mom and grandma, we went to Makati. May work kasi yung tita ko. Isasama daw niya ko sa office. Mag-internet daw ako dun kasi 1 Gbps ang speed ng internet nila. Yung lola ko at mom ko naman, iiwan dun sa condo ng tita ko para ayusin ang napakagulo niyang flat. Hehe. Bago mag-Makati, pumunta muna kaming Festival para magrocery. Tapos pumunta na kami sa condo, pagbukas ko ng TV, Mr. Bean ang palabas! Nyahaha. Adik talaga ko sa Mr. Bean, parang kaadikan ko sa PBB. Hehe. Nag-stay lang kami sandali dun tapos pumunta na kami sa office. Nakakainosente dun sa building nila. Ang promdi talaga ng dating ko. 6 yung elevators dun tapos yung pindutan kung saang floor ka pupunta, nasa gitna. Parang may calculator na malaki sa gitna ng third and fourth elevator kung saan pipindutin mo kung saang floor ka pupunta. Tapos pag na-enter mo na yung floor number, i-aasign niya kung saang elevator ka sasakay. Ang sosyal talaga. Sobra.

Labels: FAMILY LIFE, MY LIFE